“May nakakatawa ba dun?”
Ilan lang ‘to sa mga salitang nababasa at naririnig ko, pero ang nakakabagabag dito ay ‘yung pagreply ng “HAHA” may masama ba sa pag-reply ng “haha”? sorry kung naparamdam ko sayo yung feeling na umasa ka sa reply ko na akala mo makabuluhan. Hindi ba pwedeng nagkataon lang na ti-nype ang apat na letrang yun, bandang huli nagiisip baka na-misinterpret mo yun dahil na-realized ko na ikaw pala yung tipong tao na ayaw ng tawang HAHA na walang kalatoy-latoy, walang emoticon, walang kwenta, at hindi na capitalize. Pero hayaan mo akong ikwento kung ano ang dapat na matanggap mong reply mula sa’kin.
May natanggap akong message mula sayo, ramdam na ramdam ko at habang binabasa ko ay tila ba naririnig ko ang boses mong binabanggit ang bawat salitang cinompose mo.
Masaya ako sa pag-effort mong nag-type at nagisip ng message na yun,
Nagisip ako kung ano ba dapat ang ibalik kong reply sayo,yung mapapangiti ka ng abot tenga. Sa totoo lang bago mo pa i-send ang mga salitang yun, iba’t ibang emosyon na ang nararamdaman ko nung mga oras na nag-rereply sayo para akong isang lobo na anumang oras pwede nang pumutok. Ang “HAHAng” nareply ko ay may iba pang gustong iparating. Hindi ko man masabi ng personal ang nararamdaman ko sayo pero kahit sa message nalang,
Gusto Kita.
Yan… ang reply ko na dapat matanggap mo, pero kasi pinangunahan ako eh… pinangunahan ako ng kaba, hiya, at lungkot na baka ang dalawang salitang yan ay mauwi sa sagot na…
‘Di ko kayang ibalik yan…
paulit-ulit na binura isa isa ‘yung dalawang salitang yun kaya binago ko nalang sa pagreply ng haha
At dun ko napagtanto na binura mo na pala lahat ng conversation nating dalawa isusunod ko na sanang sabihin na… na GUSTO KITA!..
Ano bang tingin mo sa’kin masamang tao? Ganon nalang ba yun, na sa tingin mo wala akong pakialam sa nararamdaman mo, yun na paniniwalaan mo?…
Napaka BIG DEAL ha!…